LIBRE | Halos 900,000 na estudyante, napakinabangan na ang free tuition fee

Manila, Philippines – Halos nasa siyam naraang libong estudyante sa mga State Universities at Colleges sa bansa ang nakikinabang na sa libreng matrikula ng Duterte administration simula noong Hunyo ng 2017.

Ayon kay CHED-OIC Prospero De Vera, nailipat na sa ahensya ang 8 billion pesos para ireimburse ang hindi kinolektang tuition fee sa kanilang mga estudyante sa first semester ng School year ‎2017-2018.

Nasa 300 million naman ang naibigay na sa walong SUCs na nago-ofer ng kursong medisina tulad ng:


UP Manila
Mariano Marcos State University
University of Northern Philippines
Cagayan State University
Bicol State University
West Visayas State University
Up School Of Health Sciences in Leyte at
Mindanao State University

As of February 2018, nakumpleto na ang reimbursement sa lahat ng 112 na SUCs batay sa isinumiteng Basic Education Support Fund sa Department of Budget and Management.

Tanging Tawi-Tawi Regional Agricultural College at Romblon state University ang hindi Nakatanggap ng reimbursement dahil sa kabiguang isumite ang mga kailangang dokumento alinsunod sa joint guidelines ng CHED at DBM.

Facebook Comments