LIBRE! | Mahigit 1000 na mga illegal vendor, bibigyan ng pwesto sa Baclaran

Manila, Philippines – Aabot sa 1,500 na illegal vendors ang bibigyan ng pwesto sa baclaran.

Kasunod na rin ito nang naganap na pagpupulong nina MMDA Chairman Danny Lim, MMDA Acting General Manager Jojo Garcia at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay Olivarez – ang parking area sa service road ng Roxas Boulevard ang lugar kung saan ililipat ang mga vendors na nasa ilalim ng Baclaran LRT station, sa gilid at harap ng simbahan.


Giit pa ng opisyal walang sisingilin na bayad sa puwesto at ang mga magtitinda sa labas ng itinalagang lugar ay huhulihin.

Samantala, umaasa naman si Lim na ang plano ng lokal na pamahalaan ang solusyon na sa problema na nagdudulot ng matinding traffic sa lugar maging mga krimen.

Facebook Comments