Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader and Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang pagpapatupad ng libre o kaya ay abot-kayang gastos sa annulment.
Ito ang nakikitang solusyon ni Garin kung hindi maipapasa ng Senado ang panukalang diborsyo sa Pilipinas.
Tugon ito ni Garin kasunod ng isinagawang survey sa Senado kung saan anim na senador lamang bumotong pabor sa Divorce Bill habang limang senador ang kumontra dito.
Si Garin ay kabilang sa 131 mambabatas na bumoto pabor sa pagpasa ng Kamara sa House Bill 9349, o ang panukalang Absolute Divorce Act na layuning magbigay ng legal na remedyo sa mga relasyon o kasal na hindi na maaayos pa.
Facebook Comments