Kahit patuloy na sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila.
Nagpapatuloy parin ang libreng antigen testing sa ilang piling estasyon ng LRT at MRT.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Railways Undersecretary Timothy John Batan na nagsisilbing indicator o panukatan para makita kung nagkakaroon ulit ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang random antigen testing ng mga pasahero ng MRT at LRT.
Sa katunayan, mula February ay nakapagtatala sila ng 200 hanggang 300 na test kada linggo.
Samantala, sa usapin naman ng bakuna, sinabi ni Batan na tuloy rin ang pagbabakuna nila sa ilang istasyon ng tren.
Sumatotal, nasa 5,562 COVID-19 vaccines na ang kanilang naiturok.
Bisitahin lamang aniya ang social media pages ng MRT at LRT para makita kung papaano makakapag-avail ng bakuna sa mga estasyon ng tren.