MRT, wala nang magiging aberya

43

Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) na namimintena ng maayos ang kanilang mga tren kung kaya’t wala ng nangyayaring aberya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Engr. Michael Capati MRT 3 Director for Operations na tapos na ang dalawang buwang rehabilitasyon ng MRT 3 noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ani Capati, ang sistemang ginagamit ngayon sa MRT 3 ay bago na at maayos na rin ang mga tren.


Sa katunayan, magsasagawa ng yearly maintenance program ang pamunuan sa Semana Santa.

Kung kaya’t walang operasyon ang MRT sa Abril a-13 – 17 o mula Holy Wednesday hanggang Linggo ng Pagkabuhay at magbabalik operasyon na sa April 18 o Easter Monday.

Facebook Comments