Libreng Bakuna Kontra Rabies!

45

Baguio, Philippines – Sa obserbasyon ng Rabies Awareness month, ang City Veterinary ay hinihikayat lahat ng mga pet lovers na ipabakuna ang kanilang mga alagang hayop sa taunang libreng bakuna.

Ayon sa City Veterinary Office, pagtungtong ng tatlong buwan ng alaga, ay maari na itong bakunahan at magiging sunod-sunod at taon-taon na sa parehong buwan ang dapat na bakuna ng mga alagang hayop, dagdag pa ng ahensya, pag-nag-expire ang rabies sa alagang hayop o hindi napabakunahan matapos ang isang taon, ipabakuna ito kaagad para hindi mamuo ulit ang rabies sa kanilang katawan.


Ang libreng bakuna ay nagsimula na noong Lunes, mula 8 nang umaga hanggang 4 nang hapon na magtatapos sa Abril 3, 2020.

iDOL, baka ang alaga mong hayop dapat ng bakunahan.

Facebook Comments