Suspek, patay matapos magreklamong hindi makahinga habang inaaresto ng mga pulis

1428

MINNESOTA, USA – Patay ang isang lalaki matapos itong magreklamong hindi makahinga habang inaaresto ng mga pulis nito lamang Martes, Marso 3(USA time).

Hinuli ng Minnesota Police ang hindi kinilalang suspek bandang ala-1pm para dalhin sa kustodiya ng pulisya.


Ayon sa Minnesota Department of Public Safety Bureau of Criminal Apprehension, bigla na lang daw nagreklamo ang lalaki na nahihirapan umano siyang huminga.

Nang magtungo ang paramedic team sa pinangyarihan ng insidente, nawalan ng malay ang lalaki kaya agad itong isinugod sa Sanford Medical Center.

Martes ng gabi nang ideklarang patay ang naturang lalaki.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay nito at isinasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay.



Facebook Comments