LIBRENG BREAST AT CERVICAL CANCER SCREENING, UMARANGKADA SA MANGALDAN

Patuloy ang pagtutok ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa kalusugan ng mga kababaihan sa paghahatid ng mga serbisyo medikal na tutugon sa kanilang pangangailangan.

Kamakailan, sumailalim sa libreng breast at cervical cancer screening ang ilang kababaihang Mangaldeño sa Primary Care Facility ng bayan na pinangunahan ng mga awtoridad

Sa ilalim nito, tumanggap ng libreng konsulta, breast cancer examination at mayroon ding Visual Inspection ng Cervix para sa cervical cancer screening ang mga lumahok.

Bahagi ito ng inisyatibo upang mapalakas pa ang kampanya laban sa kanser at maagang matukoy at magamot ang mga posibleng kaso ng breast at cervical cancer sa mga kababaihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments