Nagpamahagi ng libreng condom ang Bacnotan District Hospital sa La Union sa mga residente nito upang isulong ang family planning at HIV prevention.
Layunin ng programa na ikampanya ang safe sex sa pagbibigay ng condom para sa pag-iwas sa sex-transmissible diseases at bilang bahagi ng paggunita sa World AIDS Day.
Inilagay sa mga pampublikong palikuran ng ospital ang mga condom para sa privacy ng mga nagnanais kumuha nito.
Ang naturang ospital ay kabilang sa mga government-accredited HIV Testing and Counselling Facility sa rehiyon na nagbibigay ng confidential testing services sa mga pasyente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









