Libreng drive-thru COVID-19 swab testing sa lungsod ng Maynila, umarangkada na!

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang libreng drive-thru COVID-19 swab testing sa Quirino Grandstand.

Nasa 100 na indibidwal ang nakatakdang isalang kada araw kung saan ang mga ito ay nauna ng nagpa-appointment sa Manila Emergency Operation Center kung saan ang ibang detalye hinggil dito ay makikita sa social media page ng lokal na pamahalaan.

Nauna ng nagkaroon ng kalituhan sa pagsisimula ng drive-thru swab testing dahil may ilan sa kanila ay pumila para sumalang sa rapid test.


Kaugnay nito, nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi na sila magsasagagawa pa ng rapid test at pawang mga swab testing na ang susunod na gagawin.

Ito’y sa mga district hospitals at quarantine facility habang plano ring gawin ang door-to-door swab test sa mga residente sa lungsod ng Maynila.

Makukuha naman ang resulta ng swab test sa loob ng isa hanggang dalawang araw kung saan makikipag-ugnayan sa kanila ang Manila Health Department para sa iba pang detalye.

Facebook Comments