Libreng early detection test sa breast cancer, isinagawa ng lungsod ng Muntinlupa

Isinagawa sa lungsod ng Muntinlupa ang libreng early detection test para sa breast cancer na isa sa kinahaharap ng mga babaeng Pilipina sa panahon ngayon.

Kamakailan kasi ay inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Resolution 2023-238 o isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Medical Center Muntinlupa Inc., upang magbigay ng libreng breast ultrasound at pati na rin ang mammography test upang makatulong sa maagang pagtuklas ng cancer sa mga Muntinlupeño.

Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, talagang tinatanggap nila ang programa na ito dahil isa rin ito sa nagbibigay-daan sa Pamahalaang Lungsod na matugunan ang problema ng kanser nang direkta.


Samantala, sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ang gastos sa mga pagsusuri ng mga pasyente at target na benepisyaryo na tinukoy ng Kalingang Munti Action Center (KMAC) at na-verify ng Gender and Development (GAD) Office sa pamamagitan ng kani-kanilang proseso.

Facebook Comments