Libreng Edukasyon, Ipapatupad na Ngayong Pasukan!

Cauayan City, Isabela- Ipapatupad na ngayong pasukan ang Libreng Edukasyon para sa mga studyanteng papasok sa mga State Universities and Colleges o SUC’s.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Engr. Honorato Alzate, Regional Head ng CHED sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Staright to the Point kaninang umaga.

Ayon kay Engr. Alzate, batay sa batas na RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017, ay magsisimula na ang bisa nito ngayong pasukan na libre na at wala ng babayaran ang isang studyante sa mga papasok sa SUC’s subalit kailangan pa rin umanong pumasa ang mga ito sa mga Entrance Examinations at Requirements sa kolehiyo.


Ayon pa kay Engr. Alzate, matatanggap pa rin umano ng mga kwalipikadong mag-aaral ang kanilang scholarships kahit pumasa na ang mga ito sa Entrance Examination ng SUC’s.

Mamanduhan na rin umano ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST ang Scholarship Program na ibinibigay ng gobyerno kung saan pagkakaisahin na ang mga dokumento ng mga studyanteng may scholarship para hindi na umano ma doble ang kanilang mga scholarship.

Payo pa ni Ginoong Alzate sa mga nagnanais mag-aral sa mga SUC’s na magtungo lamang at mag-apply sa mga pinakamalapit na State Universities o Colleges upang mabigyan ng Entrance Examination at malaman ang mga Requirements na hinihingi sa kolehiyo.

Inihayag din ni Engr. Alzate na hindi pa umano saklaw ng Libre Edukasyon ang mga pribadong kolehiyo at maaaring isusunod na ang mga ito sa susunod na pasukan dahil hinihimay pa umano ng CHED AT UniFAST ang mga ito upang mabigyan din ng Tertiary Education Subsidy.

Facebook Comments