Libreng edukasyon sa SUCs at LUCs, hindi pa maipatutupad ngayong school year ayon kay Sec. Benjamin Diokno

Manila, Philippines – Binigyang ni Budget Secretary Benjamin Diokno na sa susunod na school year pa magiging epektibo ang Republic Act number 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na siya namang magbibigay ng libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges o SUCs at Local Universities and Colleges o LUCs.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi naman retroactive ang nalagdaang batas kaya hindi ito agad maipatutupad sa kasalukuyang school year.

Pero batay kasi sa Section 4 ng RA 10931 ay nakasaad na lahat ng mga Pilipinong estudyante na naka-enroll ngayong school year matapos maipatupad ang RA 10931 at ang mga mag-eenroll matapos itong maipatupad ay magiging libre na ang tuition fee and other school fees.


Ang dapat aniyang pagtuonan ng pansin ngayon ay ang enrollees ng 114 SUCs.
Paliwanag ni Diokno dapat ay hindi madagdagan ang mga enrollees ng mga SUCs at LUCs upang malaman ang makatotohanang Estimate ng kakailanganing Pondo na ilalaan ng Gobyerno para dito kaya sigurado aniyang may mababago sa proposed 2018 national budget ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi din naman ni Diokno na pangungunahan niya ang komite na babalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng naturang batas.

Una nang sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na maaari namang hugutin sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ang kakailanganing pondo para sa libreng edukasyon at bahala narin ang kongreso sa paglalaan ng pondi dito sa bubuuing 2018 national budget.

Facebook Comments