Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Bam Aquino na hindi dapat mahahaluan ng pulitika at palakasan ang libreng edukasyon sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges.
Ang pahayag ni Aquino ay kaugnay sa pagpasa ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act na ngayon ay nasa Malacañang na para sa pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ni Senator Aquino, na lahat ng estudyante ay bibigyan ng tulong kaya hindi na dapat kumuha pa ng mga endorsement letters mula sa mga politiko o gumamit ng mga padrino.
Ayon kay Senator Bam, sa pinal na bersiyon, halos libre na ang pag-aaral sa SUCs, LUCs at vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sagot na ng pamahalaan ang tuition, miscellaneous at iba pang bayarin.
DZXL558