Libreng Eduksyon mahigpit na minomonitor ng isang mambabatas sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Tiniyak ni Senador Bam Aquino na naipatutupad ng mga Unibersidad ang kanyang naipasang batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte kaya patuloy ang kanyang pag-iikot sa lahat ng mga Kolehiyo at Unibersidad  upang ipaliwanag ang kanyang ginawang batas na dapat ipatupad ng mga Unibersidad.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni SenatorAquino na maraming mga hindi naniniwala na libre ang pag aaral sa Kolehiyo dahil kulang sa mga impormasyon ang publiko.

Paliwanag ni Aquino napakahalaga na magkaroon ng libreng pag aaral sa mga Kolehiyo upang maraming mga estudaynte na mga mahihirap na makapag aaral.


Giit ni Aquino dapat talagang imonitor ng lahat ng mga Unibersidad at Kolehiyo kung naipatutupad ba nila ang kanyang naipasang batas na libreng edukasyon para sa lahat ng mga estudyante sa bansa.

Nagbala si Aquino na mayroong kaakibat na parusa sa mga may ari ng Kolehiyo at Unibersidad na hindi sinusunod ang Free Education na dapat mahigpit na ipatupad upang malaman ng mga Pilipino na mayroon talagang libreng edukasyon para sa mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments