Hinimok ng Taguig Local Government Unit (LGU) ang mga residente rito na nakakaranas ng sintomas tulad ng ubot sipon trangkaso ay dapat na manatili na lamang sa bahay.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng mga Barangay Health Workers nito ay laging handang maghatid ng libreng gamot sa mga pamilyang nangangailangan nito.
Tawagan lamang ang Telemed number ng inyong kaukulang barangay health center.
Maaari ding bisitahin ang link ng Taguig o i-scan ang QR Code para sa listahan ng mga contact number ng Taguig Telemedicine.
Paliwanag ng LGU kung nakakaranas ka ng mga sintomas, huwag mag-atubiling mag-iskedyul ng slot para sa libreng RT-PCR test sa pamamagitan ng pagbisita sa trace.taguig.gov.ph o pagtawag sa COVID-19 Hotlines sa 8789-3200 o 0966-419-4510.