Shipbuilding facilities at mga ecozones, maaaring i-tap para sa mga bangkang nasira dahil sa Bagyong Odette

53

Inirekomenda ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na kumilos at magtulungan ang Office of Transport Cooperatives at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para mapalitan ang mga nasirang bangkang pangisda at bangkang gamit sa turismo dulot ng Bagyong Odette.

Ayon sa kongresista, maraming shipbuilding facilities sa Bataan, Cavite, Batangas at mga ecozones ang maaaring i-tap o gamitin ng pamahalaan sa pagbuo ng mga bagong bangka.

Ang mga bangkang ito, maaaring ipamahagi sa mga mangingisda at tour guides nang may mababa o kaya’y zero interest.


Sa Palawan lamang, sa paunang assessment ay pumalo na sa 1,500 na motorbanca ang napinsala ng nagdaang bagyo.

Malaking tulong aniya ito para sa unti-unting pagbangon ng kabuhayan at turismo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments