Libreng Gupit, Isinagawa sa Isabela School of Arts and Trade!

City of Ilagan, Isabela – Isinagawa sa Isabela School of Arts and Trades o ISAT kahapon sa Calamagui 2nd., City of Ilagan ang gupitang bayan na pinangunahan ng City of Ilagan Gay Association o CIGA at City of Ilagan Lesbian Association o CILA.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Peterson Patriarca, ang pinuno ng CIGA at CILA, aniya ang libreng gupit ay isang malaking bagay para sa mga mag-aaral ng ISAT.

Mahigit tatlong daang estudyante umano ang nabigyan ng libreng gupit kung saan depende sa nais nilang disenyo ng gupit.


Sinabi pa ni Patriarca na ang proyektong gupitang bayan ay sa pamamagitan ni City of Ilagan Mayor Evelyn “Mudz” Diaz.

Hindi lamang umano sa mga paaralan ang serbisyo kundi sa lahat ng may kahilingan ng libreng gupit kung saan nakapagbigay na umano ng libreng gupit sa BJMP Ilagan kamakailan.

Samantala ang gupitang bayan ng City of Ilagan ay isinasagawa mula lunes hanggang biyernes.

Facebook Comments