Mga Empleyado at Mag-aaral sa San Mariano Isabela, Nakiisa sa Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill!

San Mariano, Isabela – Nakiisa ang mga empleyado ng LGU’s San Mariano at mga mag-aaral ng Cataguing National High School sa Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kamakailan.

Ayon kay Senior Fire Officer3 Jaymar D. Domingo, Municipal Fire Officer ng BFP San Mariano na pinagunahan nila ang naturang earthquake drill na ginanap mismo sa gusali ng LGU at sa nasabing paaralan.

Umabot umano sa mahigit 300 na empleyado ang sumali sa earthquake drill samantalang 160 na mga estudyante.


Naging maayos naman umano ang partisipasyon ng mga empleyado at mga mag-aaral sa naturang aktibidad kung saan natuto na umano sila sa mga dapat nilang gawin tuwing isinasagawa ang anumang drill.

Samanatala kasama rin ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC San Mariano sa ginanap na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Facebook Comments