Libreng haircut, medical at dental mission at bloodletting activity handog ng RMN para sa ika-65th anibersaryo nito

229

Bilang bahagi ng ika-65 anibersaryo ng Radio Mindanao Network o RMN bilang isa sa mga malalaki at kilalang radyo stasyon sa bansa, magsasagawa ng* libreng haircut, medical at dental mission at bloodletting activity* ang IFM 96.3 Ang Bestfriend Mo at DXRZ 900 Tatak RMN sa Zamboanga City.
Ito’y bilang patunay sa nagpapatuloy na adbokasiya ng RMN sa sambayanang Pilipino – ang serbisyo publiko. Isasagawa ang aktibidad sa mismong araw ng anibersaryo -* August 28* mula *8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali* sa *Philippine Red Cross, Pettit Barracks, Zamboanga City*.
Magbibigay daan ang aktibidad na ito sa 100 beneficiaries ng medical mission habang may tig-65 beneficiaries naman ang dental mission at libreng haircut.
Bukod dito, ang mga lalahok at benepisyaryo ng aktibidad ay may pagkakataon ding makilala at makita nang personal ang kanilang mga iniidolong reporter at IFM Bestfriend DJs!

Facebook Comments