Libreng health check-up sa mga mag-aaral sa public schools, inilunsad ng QC LGU

Inilunsad ng Quezon City LGU ang Public School Health Program   para higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa mga public schools sa Quezon City.

Lumagda ng isang Memorandum of Agreement si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Division of City Schools, Philippine Dental Association- Quezon City Dental Chapter, Novaliches Eye Center, Quezon City Health Department, Quezon City Medical Society Inc. para itaguyod ang naturang programa sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lunsod.

Nakapaloob sa naturang programa ang pag-iikot ng medical team sa mga public schools ng Quezon City para magkaloob ng physical check up, dental check up at eye check up.


Aniya, oras na may makitang sakit sa mga bata ay irerekomenda sa ospital o health center para mapagkalooban ng libreng mga gamot batay sa pangangailangan ng sakit.

Target ng Quezon City government na mabenepisyuhan ng programa ang may 250,000 public school kindergarten hanggang grade 4 pupils ng Quezon City.

Binigyang diin ni Belmonte na kukuha ng dagdag na doktor ang Quezon City government para ilagay sa mga health centers.

Aniya kulang ang mga doktor na nangangalaga sa mga taga Quezon City sa mga health centers kaya’t kailangan ang mga itong dagdagan.

Facebook Comments