Cordon, Isabela- Dinagsa ng mga residente ng bayan ng Cordon ang kasalukuyang Libreng Medical, Dental at Optical Mission na handog ni Congressman Rodolfo “Rodito” Albano III ng unang Distrito ng Isabela kasabay sa kanilang kapistahan.
Batay sa ulat ni ginoong Romy Santos, ang Media Consultant ng Isabela Provincial Government, ito ay bahagi sa mga proyekto ni Isabela 1st District Representative Rodito Albano III upang magbigay serbisyo sa pamamagitan ng libreng medical, libreng check-up sa mata at libreng check-up sa ngipin para sa lahat ng residente ng Bayan ng Cordon.
Ayon kay ginoong Santos, karamihan sa mga pasyenteng dumalo ay mga may diperensya sa mata.
Batay naman sa inihayag ni Sanguniang Panlungsod Em-em Albano ng City of Ilagan na makukuha ng mga pasyenteng may diperensya sa mata ang kanilang salamin sa loob lamang ng isang buwan at hindi rin umano limitado ang kanilang seserbisyuhan sa naturang proyekto.
Samantala, ang naturang libreng medical ay sa pamamagitan na rin ng tulong nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III at Vice-Governor Antonio “Tonypet” Albano, Department of Health ng Isabela Provincial Government, LGU Cordon at iba pang mga ahensya ng gobyerno.