Libreng mobile legal clinics ng DAR, umarangkada na sa Cagayan Valley Region

Umarangakada na ang libreng legal consultations, counseling at serbisyong legal ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Cagayan Valley Region.

Ayon kay Cagayan Regional Director Samuel Solomero, sa ilalim ng programa ng DAR, ang mga abogado at mga legal expert ng ahensiya ay pumupunta sa mga komunidad upang ilapit ang serbisyong agraryo sa publiko.

Partikular dito ay ang mga agrarian reform beneficiaries sa barangay ng Sto. Tomas at La Paz, sa Saguday sa lalawigan ng Quirino; at Manguia, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.


Partikular na pinag-usapan ay mga arbitrasyon at mediation upang mabawasan ang problema at hindi na umabot pa sa korte.

Tinutulungan din sila sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento upang resolbahin ang kanilang mga kaso.

Bahagi pa rin ito ng zero-case backlog policy ng DAR Legal Affairs Office upang magbigay ng katarungang panlipunan sa mga magsasaka sa bansa.

Facebook Comments