Bagong Camiguin Airport, magiging operational na sa Lunes

Bubuksan na sa publiko mula sa Lunes, October 25 ang bagong upgrade na Camiguin Airport sa Mambajao, Camiguin.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inaasahang lalo pang dadagsain ng mga turista ang Camiguin sa pagbubukas ng upgraded na Paliparan.

Kabilang sa ginawa ng Camiguin Airport Development Projects ang improvement ng landside at airside facilities ng airport, gayundin ang pagsasaayos ng Passenger Terminal Building (PTB), at sa administration building.


Bukod pa rito ang ginawang improvement ng CAAP Security and Intelligence Service building at pag-aaspalto sa runway.

Sa susunod na taon ay palalawakin pa ang paliparan para makalapag na rin dito ang malalaking eroplano.

Facebook Comments