Libreng Paggamit ng Tractor, Ipagkakaloob sa mga Magsasaka sa Santiago City!

*Santiago City-* Patuloy na ipina-paalala ni City Mayor Joseph Salvador Tan ang libreng pagpapa-traktor sa sinasakang lupa ng mga magsasaka sa Lungsod ng Santiago.

Ayon sa alkalde, ito umano ang isa sa mga paraan upang matulungan ng lokal na pamahalaan ang mga magsasaka ngayong panahon ng pagtatanim.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Tan ay sinabi nito na binibigyan umano nila ng pagkakataon na makapagpa-tractor ng libre ang mga magsasaka na may lawak na lupa na nasa dalawang ektarya pababa.


Ipinaalala naman ng alkalde sa mga magsasaka na bawal ang pamimigay bayad o diesel sa mga operator ng traktor dahil ito ay binayaran na ng Pamahalaang lokal ng Santiago.

Hinimok naman ng alkalde ang mga magsasakang Santiagueños na huwag umanong mag-atubiling lumapit sa kanilang tanggapan upang makapagpa-tractor ng libre at matikman ang tulong ng lokal na pamahalaan ng Santiago.

Facebook Comments