Babaeng Galing Maynila, Timbog sa Drug-Buy-Bust sa Naga City

Hindi nasayang ang puyat at mahabang pasensiya ng mga operatiba ng Naga city Police Office para maisalpak sa kulungan ang isang babaeng galing pa ng Maynila at pumunta sa Naga city para lamang mag-deliver ng shabu.
Magdamag hanggang madaling araw na naghintay ang mga operatiba ng Naga City Police Office – Intel Division sa Zone 1, Jordana Street, Brgy. San Francisco, Naga City para mahuli sa isang drug-buy-bust operation ang isang babae na galing pang Maynila.

Kaninang madaling-araw, bandang alas 3:10 nahulog sa bitag ng kapulisan sa pangunguna ni PSupt Errol Garchitorena, Jr., Intel Chief ng NCPO si Janeth Corollo y Hate, edad 40, balo at residente ng 270 Guerrero Street, Malate, Manila.

Si Corolla ay binilihan ng nasa 50 gramong shabu ng isang police operative na nagkunwaring buyer sa halagang 120 thousand pesos.


Insigida, pagkatapos ng transaction, tuluyan na nilang hinuli si Corollo.

Sa pinalallim na imbestigasyon ng pulisya, sa Batangas umano nanggagaling ang supply ni Corollo at binibenta niya ito sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon kasama na ang Kabikolan.
Pinaniniwalaan din ng pulisya nab ago pa nakarating ng Naga City ang suspect ay meron na itong ibang lugar na binagsakan ng nasabing illegal na droga.

Source: ncpo/reported by radyoman paul santos

Facebook Comments