Libreng Patubig, Muling Ipinaalala sa mga Magsasaka!

Angadanan, Isabela – Muling ipinaalala sa mga magsasaka ang batas na RA 10969 o mas kilala bilang Free Irrigation Service Act para sa mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging pahayag ni Ang National Coalition of Indigenious Peoles ( ANAC-IP’s) Representative Jose Bentot Panganiban sa RMN Cauayan,  hindi na umano magbabayad ng patubig ang mga magsasaka at maging ang kanilang mga pagkakautang.

Matatandaan na sa nakalipas na buwan ng Pebrero ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka sa buong bansa.


Sinabi pa ng Chairman ng Committee of Agriculture, na batay sa pag-aaral, nasa siyam napu’t dalawang porsyento sa kabuuan ang mga magsasaka sa bansa na mayroong walong ektarya pababa na mabibigyan ng nasabing batas.

Ibig sabihin ang batas na free irrigation ay para sa mga magsasaka na mayroon lamang sinasaka na walong ektarya pababa.

Facebook Comments