Masayang inihatid ng mga anchor ng programang LBMS o Laughter is the Best Magazine Show ng DZXL 558 ang mga premyo sa winners ng “Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.
Laman ng Radyo Trabaho bag ang libreng prepaid home Wi-Fi at Radyo Trabaho merch gaya ng pamaypay, wallet, ballpen at sticker.
Isa sa mga nakatanggap ng nasabing premyo ang accounting staff na si Ronnie Mendoza na nagtatrabaho sa Navotas City Hall.
Ayon kay Mendoza, halos araw-araw silang nakatutok ng kaniyang mga katrabaho sa mga programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho lalong-lalo na sa LBMS kaya naisipan niyang sumali sa promo.
Aniya, makakatulong ang libreng prepaid home Wi-Fi sa kaniyang mga pamangkin na ngayon ay nag-o-online class.
Nakipagsapalaran din sa pa-raffle ng Radyo Trabaho ang online tutor o guro na si Gina Angustia dahil nais niya talagang magkaroon din ng prepaid home Wi-Fi para sa kaniyang pagtuturo.
Payo naman ni Angustia sa mga estudyante ngayon na nag-o-online class, huwag aniyang panghinaan ng loob at ipagpatuloy lang ang kanilang pag-aaral dahil para rin ito sa kanilang kinabukasan.
Ngayong hapon, susunod namang pupuntahan ng LBMS Team sina Arnel Diño ng Quezon City at Juliana Palmario ng Valenzuela City para maihatid sa kani-kanilang bahay ang napanalunang premyo.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Radyo Trabaho at LBMS ng libreng prepaid home Wi-Fi kaya sumali na at tumutok lagi sa mga programa ng DZXL 558 para manalo.
Tumawag sa DZXL hotline 8882-2376 kapag narinig na ang Radyo Trabaho jingle o kaya naman ay bisitahin ang RMN DZXL 558 Manila Facebook page para malaman ang mechanics sa pagsali online.