Naipagkaloob sa labing walong piling mga kababaihan sa bayan ng San Nicolas ng libreng progestin subdermal implant (PSI) sa tulong ng Commission on Population and Development (POPCOM) Region I at ng lokal na pamahalaan sa bayan.
Ang Progestin Subdermal implant ay isang bagong family planning method na na may sukat na matchstick na ilalagay sa ilalim ng balat sa kanang braso na nakikitaang epektibo sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
Ang ganitong uri ng implant ay isang synthetic hormone na tinatawag na progestin na nagpapanatili ng mga itlog ng isang babae sa kanyang mga ovaries at pinalapot ang uhog sa cervix upang maiwasan ang pagpapabunga at pagbubuntis.
Samantala, bukas sa lahat ang nasabing programa at kung interesado ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa Rural Health Unit ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments