Libreng random antigen test sa LRT-1, nagsimula na ngayong araw

Sinimulan ngayong araw ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang pagbibigay ng libre at random na COVID antigen test sa mga pasahero nito.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga bibigyan lamang ng libreng testing ay ang mga magboboluntaryo na pasahero.

Ang mga LRT testing site ay matatagpuan sa mga istasyon ng EDSA, Baclaran, Monumento at Carriedo.


Ang mga magpopositibo sa antigen test ay hindi pasasakayin ng tren habang ang mga negatibo ay bibigyan ng libreng beep card.

Facebook Comments