PNP, nadagdagan ng 390 bagong kaso ng COVID-19

26

Pumalo na sa 45,321 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos madagdagan ng 390 na bagong kaso ang PNP.

Batay sa PNP health service, 4,028 ang aktibong kaso sa COVID-19 habang nasa 41,168 ang mga gumaling na sa virus.


Nanatili naman sa 125 ang mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments