Sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso, Alok ng Dagupan City Bonuan Land Transportation Corporation (byaheng Dagupan – Mapandan vice versa) at ng Lokal na Pamahalaan ng Mapandan, ang “Libreng Sakay Para Kay Juana.”
Ang mga modernized bus na bumabyahe mula bayan ng Mapandan hanggang Dagupan at vice versa na makapagsasakay ng mga babaeng pasahero mula alas diyes ng umaga hanggang ala una ng hapon ay libre na at walang bayad sa buong buwan ng Marso bilang paggunita sa International Women’s Month.
Ayon kay Marites Garcia, dispatcher ng bus, ang isinasagawang libreng sakay ngayon ay tulong ng kooperatiba sa mga kababaihan partikular na sa mga nanay at mga babaeng nagtatrabaho sa araw araw.
Naging maganda ang tugon ng mga programa sa mga babaeng pasahero, na namumutawi ang ngiti sa mga labi kapag sinabing libre na at walang bayad ang kanilang pagsakay.
Binigyang diin naman ng kooperatiba na sa labindalawang bus unit na pumapasada sa bayan ng Mapandan, tanging ang mga may tarpaulin lamang ng libreng sakay ang nagbibigay ng prebilihiyong ito sa mga kababaihan at nanatiling regular fare ang mga sasakay sa mga bus na walang tarpaulin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









