Umarangkada na ang “Libreng Sakay” na inihahatid ng RMN- DXMY sa Cotabato City.
Simula kahapon , higit dalawang daang mga pasahero na kinabibilangan ng mga istudyante, guro, manggagawa sa pribado at gobyerno, senior citizens, mamimili, at mga ordinaryong mananakay ang nakabibiya sa Serbisyo Publikong inihahatid ng DXMY .
Bukod sa libreng sakay, mas pinasaya pa ito ng mga papromong hatid naman ng Shield Bathsoap. Kabilang sa layunin ng naging partnership ng DXMY at Shield Bathsoap ay para ipaalala sa publiko lalo na sa mga commuters sa Cotabato City ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na pangangatawan para na rin makaiwas sa anumang karamdaman lalo na ang pinangangambahang 2019 Novel corona virus ayon pa kay DXMY Station Manager Erwin Cabilbigan.
Kaugnay nito, magpapatuloy ang inisyatiba ng DXMY sa susunod na mga araw at inaasahang mag-iikot ang pampapasaherong multicab sa mga area ng ND Village, Super, Downtown, Highway maging sa Bagua Area. Nag-iikot ito mula alas 6- ng umaga, 11-12 ng tanghali at 4-5 ng hapon.
Bagaman maituturing na napakasimpleng programa , umaasa naman si Manager Cabilbigan na makakatulong sa mga commuters ang programa bukod pa sa makapagpapasaya sa mga ito at di mapansin ang perwisyong hatid ng trapiko. Samantala, agad namang umani ng pasasalamat sa mga mananakay ang naging handog ng DXMY .
Ang Libreng Sakay ay isang Nationwide Project ng Radio Mindanao Network ngayong buwan ng pag-ibig.