Masusing iniinspeksyon ng pamunuan ng Marikina City Government ang operasyon ng libreng sakay na shuttle buses sa mga papasok na mga mangagawa sa lungsod ng Marikina.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ininspeksyon niya ang operasyon ng libreng sakay ng mga shuttle sa harapan ng Kapitan Moy sa Marikina City ngayon araw, ang unang araw ng pagpatutupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag ng alkalde, nais niyang matiyak kung sapat ang mga shuttle na paghahatiran ng mga empleyado na residente ng Marikina City.
Dagdag pa ni Teodoro, siniguro niya na lahat ng mga empleyado na residente ng Marikina City at nagtatrabaho sa ibang lungsod ay makapapasok sa kani-kanilang opisina.
Giit ng alkalde, sapat ang mga shuttle na tumatakbo sa buong Marikina City mula sa Kapitan Moy patungo sa kahabaan ng Marcos Highway kung saan mayroong masasakyan ang mga empleyado papasok sa kani-kanilang tanggapan.