Libreng sakay ng MPD, pinaghahandaan na sa mga stranded

Manila, Philippines – Handang handa na ang apat na trak ng Manila Police District sakaling maraming mga pasaherong maistranded mamayang hapon.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, kayang magsakay hanggang 50 pasahero ang isang trak na kanilang ipakakalat sakaling mamonitor nila mamayang uwian ng mga pumapasok sa kani-kanilang trabaho.

Paliwanag ni Margareho, nakaantabay lamang ang apat na trak sa MPD Headquarters na maghahatid ng libreng sakay sa mga pasaherong naiistranded dahil sa walang mga bumabiyaheng PUJ dulot ng mga pagbaha sa ilang lugar sa Manila.


Inaantabayanan nila ang report ng Tactical Action Center ng MPD na patuloy na nagmomonitor sa mga lugar na stranded.

Bukod sa libreng sakay mula sa MPD Headquarters susuporta rin ang mga station commanders kung saan magpapakalat din sila ng mga trak para alalayan ang mga naistranded sa kanilang nasasakupan.


Facebook Comments