Panukalang 2018 national budget, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinamamadali ni Pangulong Duterte ang pag-apruba sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Sinertipikahang urgent ng Pangulo ang house bill 6215 o ang General Appropriations Bill.

Ito ay para matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno at mapabilis ang mga programa at proyekto.


Ngayong araw target ipasa ng Kamara sa 2nd reading ang P3.7 trillion national budget para sa 2018.

Kapag certified as urgent ang isang panukala, maaari nang idiretso ang botohan sa 3rd and final reading pagkatapos ng 2nd reading.

Pero ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, saka na nila aaprubahan ang budget sa pinal na pagbasa kapag nai-imprenta na kasama ang lahat nang amendments na maaaring abutin ng isa o dalawang linggo.

Facebook Comments