LIBRENG SAKAY PARA SA COLLEGE STUDENTS, INILUNSAD SA SAN MANUEL

Umarangkada ang libreng sakay para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na residente ng San Manuel simula, kahapon, Abril 8, 2026.

Ang programa ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan at may rutang San Manuel papuntang Binalonan at Urdaneta City kung saan ang pick-up point ay itinalaga sa Quirino St., Brgy. Guiset Sur.

May dalawang schedule ang biyahe mula alas-6:30 ng umaga at alas-7:30 ng umaga naman ang pangalawang biyahe.

Bukod dito, inihayag din ng San Manuel Municipal Police Station (MPS) ang kaparehong serbisyo tuwing Martes at Huwebes, na sisimulan ngayong araw, Abril 9, 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na mapadali ang pagpasok sa klase ng mga estudyante at mabawasan ang gastos sa transportasyon bunsod ng nararanasang krisis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments