LIBRENG SAKAY PARA SA MGA PWD, AARANGKADA SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Aarangkada ngayong araw ang Libreng Sakay Program para sa mga Persons with Disabilities sa ilang mga biyahe pa-San Fernando City, La Union, bilang bahagi ng paggunita sa National Autism Consciousness Week.

Batay sa anunsyo ng LTFRB, ilang mga transport groups sa iba’t-ibang ruta ang nakiisa sa aktibidad kabilang ang patungong Pagudpud, Darigayos, San Juan, Bacnotan, Balaoan, Naguilian maging ang biyahe patungong Dagupan City.

Kinakailangan lamang na ipresenta ang PWD Identification Card upang makabiyahe nang libre.

Layunin ng kolaborasyon na palawigin ang iba’t-ibang programang makatutulong sa pangangailangan ng mga residente para sa mas inklusibong serbisyo publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments