Libreng sakay program,mananatili sa ilalim ng MECQ

34
Photo Courtesy: LTFRB Facebook Page

Magtutuloy-tuloy ang serbisyo ng programang libreng sakay hanggang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Officer-in-Charge (OIC) Executive Director Joel Bolano na 40 ruta ang mapapakinabangan ng mga health care workers at mga Authorized Persons Outside of their Residences o APOR.


Pinalawig pa ang pagbubukas ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan upang makatulong sa pagbiyahe ng mga commuters sa harap ng umiiral na MECQ.

Kabilang sa mga mga Public Utility Bus na tatakbo sa naturang ruta ay nasa ilalim pa rin ng mas pinalawig na Service Contracting Program.

Facebook Comments