Inihayag ngayon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III, target ng LTFRB na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa Metro Manila sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Guadiz III, hinihintay lang nilang mailabas ang P1.4B budget mula sa Department of Budget and Management (DBM) at oras na matanggap nila ito ay agad nila itong ipatutupad.
Paliwang ni Guadiz, hanggang July ang posibleng itagal ng budget para sa libreng sakay ngayong 2023.
Dagdag pa ng opisyal na sakali namang maubos na ay plano nilang maghingi ng supplemental budget para maipagpatuloy pa ang programa.
Samantala, inamin naman ni Guadiz na may kakulangan sa bus carousel na bumabyahe sa ngayon.
Ito’y dahil 80 percent lang ng 550 buses ang nakakabyahe.
Paliwanag ni Guadiz, may mga consortium na hindi nakakapagpatakbo ng bus dahil sa kakulangan ng mga drivers.
Giit pa ni Guadiz, sisakapin nilang gawing tuwing kada 2 linggo ang pasahod sa mga bus driver para matugunan ang problema sa kakulangan ng mga driver kapag nagbalik na ang libreng sakay.
Plano rin nilang magdagdag pa ang bus para makapagsakay ng mga pasahero.
Samantala, sa isyu naman ng sobrang paniningil sa bus carousel ng ilang konduktor, sinabi ni Guadiz na plano nilang beep card na lang ang gamitin para sa automatic fare collection.
Nalilito kasi umano ang mga inspector sa fare matrix.