Libreng sakay sa MRT-3 pinalawig pa hanggang September 15

Pinalawig pa ang libreng sakay sa MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) dahil sa pagpapatuloy ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Magtatagal ang libreng sakay ng MRT-3 hanggang September 15.

Maaring i-avail ang libreng sakay mula ika-7:00 hanggang ika-9:00 ng umaga, at mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi hanggang sa nasabing petsa.


Para makapag-avail sa libreng sakay, kinakailangan lamang ipakita ng pasahero ang vaccination card at ID, katulad ng company ID, na nagpapatunay na siya ay kabilang sa APOR na bakunado na, first dose man o fully vaccinated.

Ang inisyatiba ay bahagi ng layunin ng Department of Transportation (DOTr) na hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

Facebook Comments