Libreng sakay sa Pasig City, ibinalik ngayong MECQ

38

Ibinalik ng Pasig City Government ang libreng sakay bilang tugon sa paghinto ng pampublikong transportayson sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, tatakbo sa piling ruta ang mga bus na nagsisimula ng alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at alas-2:00 ng hapon naman hanggang alas-10:00 ng gabi.

Paliwanag ng alkalde mula sa Pasig City Hall, tutumbukin nito ang ruta ng papunta ng Kenneth, Ligaya at the Medical City kung saan magkakaroon naman ito ng stopovers para kukuha ng mga pasahero kung saan tiniyak ng alkalde na nasusunod ang physical distancing sa loob mga bus at prayoridad sa naturang programa ang medical frontliners.

Dagdag pa ni Sotto, para umano sa mga daraanan ng libreng sakay, pwedeng puntahan ang Facebook page ng Pasig Transport.

Facebook Comments