Libreng sakay sa Pasig City, patuloy ang pag-arangkada

Araw-araw habang patuloy sa pag-arangkada ang libreng sakay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig, parami nang parami rin ang tumatangkilik nito.

Kaya naman pormal na inilunsad ni Mayor Vico Sotto ang mobile app para sa kanilang libreng sakay.

Dahil dito, pwede nang i-download ang Sakay.ph sa mga cellphone, at pwede ring pumunta sa covid19.sakay.ph


Sa pamamagitan nito aniya ay mas madali nang malaman kung saan ang lokasyon ng mga shuttle service, kasama na ang ruta nito.

Ayon sa alkalde, pinaigting ang kanilang libreng sakay dahil sa pagbubukas ng 30% business establishments sa lungsod matapos ipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Dahil din sa MECQ, ilang mga taga-Pasig ay nagbalik trabaho na rin.

Facebook Comments