LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA ALAGANG HAYOP, INILUNSAD SA BAUTISTA

Inilunsad sa bayan ng Bautista, Pangasinan ang programang laan para sa mga alagang aso at pusa na nag-alok ng libreng konsultasyon, anti-rabies vaccination, deworming, vitamin supplementation, castration, at spaying.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang kampanya para sa responsableng pag-aalaga ng hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.

Kabilang din sa programa ang talakayan hinggil sa Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa wastong pangangalaga ng mga alaga.

Suportado ng mga beterinaryo at katuwang na ahensiya, bahagi ang inisyatibong ito ng patuloy na hakbang upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng parehong mamamayan at alagang hayop sa bayan.

Facebook Comments