LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL SA BAYAN NG SAN JACINTO, HATID PARA SA MGA RESIDENTE NITO

Hatid ang serbisyong PANGKALUSUGAN ng ikaapat na tanggapan ng Pangasinan at ang katuwang na lokal na pamahalaan para sa mga resident sa bayan ng San Jacinto.
Saklaw nito ang Medical at Dental Mission partikular sa mga residente ng Barangay Lobong.
Bukod sa libreng check up, nagkaroon din ng pamamahagi ng gamot at bitamina na makatutulong sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga benepisyaryo.

Samantala, ang hatid na libreng serbisyong pangangailangan ay alinsunod pa rin sa mithiin na mapangalagaan at mapanatili, masiguro ang kalusugan ng mga residente sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments