Libreng swab test sa mga empleyado ng business establishments sa Maynila, nagpapatuloy

51

Nagpapatuloy ang ginagawang libreng mass swab testing ng Manila City Government sa mga empleyado ng business establishments.

Kabilang dito ang mall employees, hotel staffers, supermarket employees, public market vendors at restaurant workers.


Gayundin ang mga tsuper ng jeep, bus, e-trike, tricycle at pedicab.

Sa ngayon, umaabot na sa 4,830 ang naisailalim sa swab test.

Sa naturang bilang, 121 na ang nagpositibo at inaasahang mababago pa ang nasabing numero kapag lumabas ang iba pang resulta ng swab tests.

Facebook Comments