Heart Evangelista, may upcoming single na 15 years ago pa ginawa!

48
Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Mula sa pagiging fashion guru, papasukin naman ngayon ng aktres na si Heart Evangelista ang mundo ng pagkanta.

Nakatakda kasing ilabas ni Heart ang kanyang upcoming single na “Breathe You” na ini-record pa niya noong 21 years old pa lang siya.


Say ni Heart, may tatlong single na hindi pa nare-release mula sa kanyang album 15-years ago at ito na ang panahon para bigyan ang mga ito ng bagong buhay.

Naniniwala kasi ang aktres na timeless ang kanyang single lalo na’t ang love at togetherness are always in fashion lalo na ngayong pilit tayong pinaglalayo ng pandemya sa mga mahal natin sa buhay.

Nabatid na tinamaan ng anxiety si Heart nang panahon ng lockdown kung saan isa ang music sa mga nakatulong sa kanya.

Facebook Comments