Nagsama-sama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Globe Telecom para maisagawa ang programang ito.
Ayon kay AFP Chief of Staff for Communications Electronics and Information Systems Major Gen. Jose Tanjuan Jr. – malaki ang magiging tulong nito upang makausap ng mga tropa ang kani-kanilang mahal sa buhay.
Paliwanag pa ni Ernest Cu, Presidente at CEO ng Globe Telecom – maraming benipisyo ang maibibigay ng programang kanilang ibinigay.
Sa kabilang banda, may mga nagbabatikos kung bakit ngayon lamang ito isinagawa gayong magiisang buwan na ang mga sundalo sa Marawi.
Pero giit ni DICT Sec. Rodolfo Salalima – magpasalamat na lamang kung anong mayroon ngayon.
Kasabay ng libre text at tawag, naglaan din ng mga charging stations sa labas ng Marawi para sa mga militar.