Libreng TESDA training, malaki ang maitutulong para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Muling tinumbok ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng pagbibigay ng libreng training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para maibalik ang milyon-milyong Pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Ayon kay Villanueva, ang proposed P14.5 billion budget ng TESDA para sa susunod na taon ay makakapagbigay ng scholarship sa iba’t ibang training programs, base sa pangangailangan ng new normal job market.

Bunsod nito ay pinamamadali ng senador ang pagpuno sa halos 500,000 scholarship slots na bahagi ng TESDA budget ngayong taon kung saan may nalalabi pang 333,919 na bakanteng scholarship slots.


Tiwala ang opisyal na TESDA ang magsisilbing backbone ng pag-recover ng ating ekonomiya.

Ang TESDA umano ang puso ng National Employment Recovery Strategy o NERS.

Pinaaalala ni Villanueva na isa sa bahagi ng NERS ay ang pag-promote sa retooling at upskilling ng mga manggagawa, at bahagi nito ang iba’t ibang mga programa ng ahensiya.

Facebook Comments