LIBRENG THREE-DAY MEDICAL, SURGICAL, AT DENTAL MISSION , AARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Malaking tulong at malasakit sa kalusugan ang hatid ng isang libreng tatlong araw na Medical, Surgical, at Dental Mission na gaganapin sa Dagupan City People’s Astrodome sa Enero 30 at 31 at Pebrero 1. Isinasagawa ito sa pakikipagtulungan ng Saint Francis and St. Clare Foundation California, bilang bahagi ng adbokasiyang ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Saklaw ng misyon ang iba’t ibang serbisyong medikal at rehabilitasyon, partikular para sa mga may arthritis at osteoarthritis sa leeg, likod, balikat, kamay, at balakang; mga nakatatandang hirap maglakad; at mga taong may pisikal na kapansanan gaya ng amputees, polio, at cerebral palsy. Kasama rin ang tulong para sa mga pasyenteng may problema sa balanse, hindi na makalakad at nangangailangan ng wheelchair, at mga may hirap sa paghinga dulot ng COPD, emphysema, congestive heart failure, at iba pang kaugnay na kondisyon.

Magkakaloob din ng Physical Therapy Services tulad ng mobility assessment at rehabilitation, joint care at conservation, at edukasyon sa pamilya hinggil sa tamang pag-aalaga at paggalaw ng pasyente. Binigyang-diin ng mga organizer na ang mga physical therapist ay lisensyadong propesyonal, hindi massage therapists, na may mahalagang papel sa pagpapabuti ng galaw at kakayahan ng pasyente.

Para naman sa minor surgical procedures, kabilang ang local excision, local incision, at circumcision. Mayroon ding libreng dental services gaya ng tooth extraction, dental filling o restoration, at dental cleaning o scaling. Dagdag pa rito ang eye care services, kung saan may libreng eye checkup at salamin para sa mga nangangailangan.

Ang misyong ito ay patunay ng serbisyong may malasakit—serbisyong umaabot sa mga tao, pangangalagang nagpapalakas sa pamilya, at pagkilos na inuuna ang kapakanan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas napapalapit ang libreng serbisyong medikal sa komunidad at mas maraming buhay ang natutulungan.

Facebook Comments